Muli namang umihip sa akin Ang hangin ng pag iisa Liwanag kang dagling sumilaw Sa'king mga mata
Linilingon,sinusundan Dumadalas ang minsan Ika'y naryan,abot tanaw Kahit walang dahilan
Maiiwasan ba? Ang bawat sandaling ika'y laman ng isip ko Maiiwasan ba? Ngayo'y lilipas ng hindi kita nasisilayan Maiiwasan ba? Magkamali sa'yo Maiiwasan ba? Nararapat bang pigilan ang damdamin na Maiiwasan ba? Lalong mahulog sa iyo...
Walang maitutulad sa sumpang Iyong linikha Putulin man ang tali ay sadyang walang kawala
Sa pagka akit at di paglapit Nananalagin at umaasa
Maiiwasan ba? Ang bawat sandaling ika'y laman ng isip ko Maiiwasan ba? Ngayo'y lilipas ng hindi kita nasisilayan Maiiwasan ba? Magkamali sa'yo Maiiwasan ba? Nararapat bang pigilan ang damdamin na Maiiwasan ba? Lalong mahulog sa iyo...
Hindi padadala Hinding hindi padadala Hindi padadala....
Wait for the flash object to fully load.
Hit refresh if you're stuck at "STOP" or if you can't hear anything after pressing play.